Hula ng Flying Star para sa 2017, ang Tai Sui at ang 3 Pagpatay (2017 Flying Star Feng Shui, Tai Sui and Three Killings)

Ang Flying Star ay napakatanyag at makapangyarihan na pamamaraan ng Feng Shui na nagdadala ng mabilis na resulta.  Ito ay nakabatay sa pormula at gumagamit ng mga direksyon ng kompas upang itakda ang siyam na masuwerte at hindi masuwerteng bahagi ng isang bahay (o gusali) sa magkakaibang tagal ng panahon (taunan, buwanan, arawan o pang-oras oras). Ayon kay Lillian Too (pinakamabentang may-akda ng Feng Shui sa mundo at kilalang Feng Shui grand master), ang pinakamabisa at pinakamabilis gumana sa lahat ng nakabatay sa kompas na pamamaraan ay ang Flying Star Feng Shui.

Ang Flying Stay Feng Shui ay isa sa pinakamabisang paraan para makamtan ang lubos na suwerte para sa pagpaplano at mga disenyo ng mga kabahayan at panloob nito. Ito ay isang uri ng Feng Shui na ganap na nasa kontrol ng isang tao, hindi katulad ng tanawing (landscape) Feng Shui, kung saan sadyang napakahirap para sa isang ordinaryong tao na makagawa ng anumang pagkilos ukol dito .  Kaya kung ikaw ay hindi makagagawa ng anumang bagay para mabago ang epekto ng mga bundok at mga gusaling nakapaligid sa iyong tahanan, maaari mong baguhin ang ayos ng alokasyon at disenyo ng iyong espasyong kinagagalawan sa loob ng iyong tahanan… gaano man kaliit ang espasyong meron ka.

Ang Flying Star Feng Shui ay gumagamit ng dinamika sa mga pagbabago ng enerhiya na nangyayari sa pagtakbo ng panahon at iyong madidiskubre na ang tatlong pinakaimportanteng larangan sa iyong buhay – ang iyong kasaganahan, ang iyong suwerte sa pakikipagrelasyon at suwerte sa kalusugan – ay magpapakita ng malawak na pagpapabuti sa sandaling simulan mo ang pagtangkilik ng Flying Star. Ang tagumpay ay mas madali at banayad ang pagdating, at ikaw ay makapangaakit ng mga bagong oportunidad para sa iyong pagsulong at kaligayahan.

Ang Flying Star ay siyentipiko at naaayon sa katotohanan at higit na nakabatay sa pamamaraan kaysa sa pakiramdam o intuwisyon ng taong nagsasagawa nito. Inaalis nito ang ang panghuhula sa praktis ng feng shui at nag-aalok ng mga wastong paraan sa pagmamarka ng espasyo, pagprotekta sa espasyo at pagpapaganda ng espasyo. Ang itinuturing na dakila sa pamamaraang ito ay kung anuman ang mga problemang nasuri, mayroon ding mga pangremedyo o panlunas.

Ang Flying Star ay sadyang madali sa sandaling maintindihan mo kung paano ito i-set up.  Mas madali pa ito kaysa sa ibang mga pamamaraan ng Feng Shui dahil ito ay tumpak at tiyak. Sa oras na makuha mo ito ng wasto, gumagana ito ng mabilis, kaya’t ikaw ay maeengganyo sa mga resulta nito.

Taunang Feng Shui Flying Star 2017 na Tsart

Ang karaniwang tsart ng Flying Star ay binubuo ng kuwadrado na may 9 na numero batay sa mahikong modelo ng Lo Shu, isang sinaunang kasangkapan sa banal na panghuhula. Ang tsart ay puwedeng gawin sa taunan, buwanan, arawan at pang-oras oras na batayan, bagaman ang taunan at buwanan na mga tsart ay ang mga pinaka-karaniwang ginagamit. Ang bawat numero, kilala bilang ang Bituin (Star), ay lumilipad mula sa isang bahagi patungo sa isa pang bahagi sa nauna nang naitakdang modelo, batay sa nakaugaliang galaw ng mga numero sa Kuwadradong Lo Shu (Lo Shu Square). Ang Mga Taunang Bituin (Annual Stars) ay nagbabago ng posisyon kada taon, habang ang Mga Buwanang Bituin (Monthly Stars) naman ay kada buwan.

Ang taunang tsart ng Flying Star na nasa itaas ay nagkakabisa mula sa ika-5 ng Pebrero 2017. Ang tsart ay nakalatag sa tuktok ng planong palapag upang madetermina ang mga suwerte at hindi suwerteng bahagi ng iyong pag-aari.  Upang sagarang mapalakas ang iyong suwerte para sa taon, magsimula sa pagwawalang-bisa sa mga nakapananakit na bituin at saka paghusayin ang mga mabubuting bituin!

Sa pagbabasa ng bawat paghula, tandaan na ang mga bituin ay nakakaapekto kapag alinman sa mga sumusunod na senaryo ay tumutugon sa yo:

  1. Ang iyong pasukan ay humaharap sa direksyon na iyon (halimbawa: ang #3 na bituin ay   nakakaapekto sa yo kung ang iyong bahay ay humaharap sa Kanluran)
  2. Ang iyong pasukan ay nakapuwesto sa bahaging natukoy (halimbawa: ang #7 na bituin ay nakakaapekto sa yo kung ang iyong pasukan ay nakapuwesto sa Timog-kanlurang bahagi kahit na maging ito man ay humaharap sa ibang direksyon)
  3. Ang iyong kuwarto ay nakapuwesto sa bahaging natukoy
  4. Ang bituin ay binibisita ang iyong oroskopyong palasyo ng hayop. Halimbawa: kung ikaw ay isang Kuneho, samakatuwid ang kasaganaan 8 na nasa Silangan (lokasyon ng Kuneho) ay magdadala sa yo ng magandang kapalaran.

PAGPAPASUKO sa MGA NEGATIBONG BITUIN

Bilang isang estratehiyang pang-depensa, ang unang hakbang ay ang pagkilala sa lahat ng mga masasamang bituin na nagmimitsa ng kapahamakan at pagkatapos ay tanggalin ang kanilang bisa gamit ang mga elemento at simbolikong panlunas.

Flying Star #5Ang #5 TRAHEDYA NA BITUIN ay Tinatamaan ang TIMOG sa 2017

Nagkakaroon ka ba ng sunod-sunod na kamalasan at trahedya? Ito marahil ay dala ng WU Wang.  Ang Feng Shui ay makakatulong dito.

Ang Limang Dilaw na nakapuwesto sa Timog- Sa pangkahalatan ito ang itinuturing na pinaka-kinakatakutan na bituin sa tsart ng flying star dahil karaniwang nagpapahayag ng pagkawala, kapahamakan, kamalasan at mga aksidente. Ang mga taong naninirahan o kaya naman ay nagtatrabaho sa bahaging ito na tinamaan ng limang dilaw ay malamang na magdusa sa pagkakawala ng mga relasyon o kaya naman ay matinding pagkalugi sa kita.

Ang karaniwang payo na ibinibigay ng mga eksperto ng Feng Shui na lubhang napahirapan ng limang dilaw ay ang paglisan sa mga kuwartong tinamaan nito.  Sa mga taong may mga kuwartong nakapuwesto sa bandang Timog ng kanilang tahanan o kaya ay may kama na nasa sulok ng nasabing direksyon, ay dapat na mag-isip na magpalit ng kuwarto o posisyon ng kama sa taong kasalukuyan kung kanilang kakayanin.  Kung hindi mo magagawa na lisanin ang iyong kuwarto, mabuti talagang ikaw ay maglagay ng mga remedyo ng Feng Shui sa Timog na sulok ng iyong kuwarto.

Hangga’t maaari, panatilihin na tahimik ang lokasyon ng Timog sa taong 2017 sa pamamagitan ng pagsasara ng mga bintana at pintuan. Huwag magpatugtog ng maiingay na musika o kaya naman ay tanggalin sa sulok ng Timog ang telebisyon.  Sa hardin, huwag maghukay o magputol ng mga puno dahil ito ay nagmimitsa na gumana ang mga masasamang epekto ng limang dilaw na nagiging sanhi ng pagkawala o mga aksidente. Huwag ding magsagawa ng mga pagbabago sa dakong Timog ng iyong hardin o bahay.

Dapat seryosohin ang babalang ito sa mga nag-iisip na panibaguhin ang kanilang mga tahanan sa taong 2017. Walang mga aktibidad gaya ng paghuhukay, pagdagundong o demolisyon ang dapat na mangyari sa direkyon ng Timog.

Ang mga remedyong inaalok ng Feng Shui laban sa limang dilaw ay dapat na inilalagay sa Timog bahagi ng iyong tahanan, opisina at mga kuwarto. Ang Ang 6 na Pulgada Limang Elementong Pagoda (6 inch Five Element Pagoda) ay mahusay na lunas.  Mapapalakas ang bisa nito kapag ikaw ay maglalagay ng tatlo o mas malaking sukat na pagoda kung ang iyong bahay ay may kalakihan din. Tinatamaan din ng limang dilaw ang mga taong ipinanganak sa taon ng Kabayo at maging ang nasa-gitnang anak na babae ng pamilya. Bilang pangontra, kailangan na magsuot ng Nahiyasan na Limang Elementong Pagoda na may Gintong Palawit (Bejeweled Five Element Pagoda Pendant – Gold) o kaya naman ay magbitbit ng “Pusong Sutra Pillar na Keychain” (Heart Sutra Pillar Keychain) o ang Ginintuang Mantra Pagoda na Keychain (Golden Mantra Pagoda Keychain) sa kabuuan ng taon.

6 inch Five Element Pagoda
6 inch Five Element Pagoda
SKU1014

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #5 na Bituin

Flying Star #2Ang SAKIT numero 2 na nasa HILAGANG KANLURAN

Kung Papaano ang Feng Shui ay maaaring tumulong sa pagwawaksi ng enerhiya ng sakit at magdala ng mas magandang suwerte sa kalusugan.

Lahat tayo ay nagkakaroon ng sipon, ubo, pamamaga ng lalamunan sa bawat araw na lumilipas, at walang ligtas dito ang lahat na ang mga tahanan ay direktang tinatamaan ng bituin ng sakit, gaya ng pagkakaroon ng bituin ng sakit-numero 2 sa kanilang mga kuwarto o kung saan ang kanilang harapang pinto ay nakapuwesto.  Ang numero 2 na bituin ay nagdadala ng kahinaan sa mga sakit at karamdaman. Kapag ang Hilagang kanluran ng tsart ay tinamaan ng alinman sa mga negatibong numero ng bituin, ito ay nakakaapekto sa patnyarka, sa mga nakakatandang kalalakihan, sa mga taong ipinanganak sa taon ng Aso at Baboy at napaka-importante na magsagawa ng mga wastong pag-iingat na inilalaan ng Feng Shui.

Sa kaso ng taong 2017, mahalaga na pigilan ang bituin ng sakit. Sa mga nangangailangan ng mas malakas na Feng Shui bilang panlunas para malabanan ang bituin ng sakit, dapat na isaalang-alang ang paggamit ng banal na enerhiya ng Medisinang Buddha (Medicine Buddha). Ang pagdidispley ng imahe ng Medisinang Buddha sa paligid ng sentro ng iyong tahanan ay tumutulong sa pagwaksi ng mga umaaligid na sakit na dala ng taon.

Ikaw ay dapat na magdala ng Mabuting Kalusugan na Keychain-Garuda (Good Health Keychain-Garuda). Maaari ka ring magsuot ng Medisinang Buddha na Palawit (Medicine Buddha Pendant) o Mahabang Buhay na Dzi na may Kristal na Pulseras (Longevity Dzi with Crystal Bracelet). Posible rin na mapahinang lubusan ang potensyal na epekto ng negatibong suwerte ng kalusugan sa tulong ng Wu Lous gaya ng Tansong Wu Lo na may Walong Imortal (Brass Wu Lou with Eight Immortals (s)).

Garuda Bird for Protection Against Illness
SKU3539
Brass Wu Lou with 3d Eight Immortals
SKU1513
Medicine Buddha Mirror
SKU3500
Medicine Buddha Pendant
SKU2021
Brass Wu Lou with Eight Immortals (s)
SKU1011

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #2 na Bituin

Flying Star #3Ang KANLURAN ay tinamaan ng #3 PALAAWAY NA BITUIN.

Makakatulong ba ang FengShui kung ikaw ay nasa gusot dahil sa mga paghahabla o nagdurusa sa di-pagkakasundo sa iyong tahanan o trabaho?

 Ang palaaway na bituin numero 3, na karaniwang nagdadala ng mga tonelada ng legal na problema at maraming mga di-pagkakaintindihan na dagliang humahantong sa mga seryosong sigalot ay tumatama sa Kanluran sa taong 2017. Ang Kanlurang bahagi na ito ay pinamumunuan ang chi o enerhiya ng pinakabatang anak na babae at ang mga ipinanganak sa taon ng Tandang ay magkakaroon ng maikling pasyensya at pagiging magagalitin.  Maaari niyang makita ang kanyang sarili na masasangkot sa mga alitan at malubhang mga situwasyon na siyang magiging dahilan ng malalim na buwelta nito.  Ang numero 3 na bituin ay naglilikha ng enerhiya sa pasalitang pag-atake sa pagitan ng mga magkakaibigan at minamahal sa buhay. Sa pinakapangit na estado nito, ito ay nagdadala ng mga paghahabla sa korte na maaaring kumaladkad ng ilang taon.

Ang numero 3 na bituin ay isa sa pinaka-nakapagpapalubhang bituin ng taunang tsart ng Feng Shui sa taong 2017, at sa oras na ang isang tao ay tamaan nito (sa pagkakaroon ng kuwarto na nakapuwesto sa Kanluran sa taong 2017 o kung ikaw ay ipinanganak sa taon ng Tandang) darating sa kanya ang mga mahihirap na konsikuwensya. Ang numero 3 ay partikular na takaw-gulo kung may pagkilos, tunog o sobrang istorbo na makapagpapagising dito. Sa taong 2017, ito ay nagdadala ng delikadong panganib sa ama ng pamilya, kaya ito ay dapat na makontrol sa loob ng buong taon.

Sa taong 2017, ang pinakamabisang paraan upang pigilan ang bituin ng pag-aaway ay ang paglalagay ng Magkabilaang Nag-aalab na Mahikong Gulong na Plake (Two-Sided Flaming Magic Wheel Plaque) sa Kanluran ng iyong tahanan. Para sa ekstrang proteksyon, dalhin ang Kapayapaan at Pagkakaisa na Agimat para sa Pagdadaig ng mga Pag-aaway at Di-Pagkakasundo (Peace and Harmony Amulet for Overcoming Quarrels and Disharmony) o magsuot ng Tumatawang Buddhang Kuwintas na may Kristal na Palawit -Jade na Bato (Laughing Buddha Crystal Pendant Necklace-Jade) sa buong taon.

Manjushri Flaming Sword
Manjushri Flaming Sword
SKU2045
Protection against Angry People Medallion Keychain/Pendant
SKU3319

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #3 na Bituin

Flying Star #7Ang BITUIN NG PAGNANAKAW numero 7 na nasa TIMOG-KANLURAN

Naranasan mo na ba ang mapagtaksilan, magoyo o madaya ng isang nilalang?
Matutulungan ka ng Feng Shui kung ikaw ay nabiktima na ng ganito.

Sa taong 2017, ang pinaka-kinatatakutang bituin ng pagnanakaw na nagdadala ng karahasan at pagdanak ng dugo ay lumilipad sa Timog-kanluran na nangangahulugan ng mapanakit na Feng Shui.  Ang situwasyong ito ay sanhi para sa mga residente na naninirahan sa Timog-kanlurang bahagi ng kanilang bahay o yong may mga bahay na may pangunahing pintuan na nakaharap sa Timog-kanluran na makaranas ng pandaraya o pagtataksil na madalas ay humahantong sa pagkawala o maging sa pisikal na panganib.  Dapat na alalahanin ang hirap na dulot nito sa mga kabahayan na nakatayo sa Timog-kanluran o humaharap sa direksyon ng Timog-kanluran.  Kailangan na supilin ng mga tatamaan nito ang mga epekto nitong dala sa pamamagitan ng mga panremedyo ng Feng Shui na kinabibilangan lalo na ng matriyarka ng pamilya (ina) at doon sa mga ipinanganak sa taon ng Unggoy at Tupa. Ang mga kababaihan ay dapat na mag-ingat (lalong lalo na ang mga nakatatandang babae) at dapat na sila ay hindi agad mabilis na magtiwala.

Ilagay ang Asul na Raynoseros at Elepante (Blue Rhinoceros and Elephant) o Kontra-Pagnanakaw na Plake (Anti-Burglary Plaque) upang masupil ang Bituing ito. Maaari mo ring dalhin sa iyong pitaka o kargang bag ang Kontra-Pagnanakaw na Agimat taong 2017 na Keychain (Anti-Burglary Amulet 2017 Keychain) upang maprotektahan ito laban sa mga mangaagaw na kawatan. Ito ay lalo na kung ikaw ay personal na napagsakitan ng bituing numero 7 gawa nang ang iyong bahay ay nakaharap sa Timog-kanluran o di naman kaya ang iyong kuwarto ay nasa Timog-kanluran.

May benepisyo ring dala ang pagbibitbit o pagsabit ng “Sodalite Raynoseros at Elepante na Proteksyong Agimat(Sodalite Rhinoceros and Elephant Protection Amulet) sa iyong sasakyan. Ito ay nakapag-iiwas sa banggaan o iba pang mga aksidente. Idikit ang Kontra-Pagnanakaw at Karahasan na Istiker ng Bintana- 2 piraso (Anti Burglary & Violence Window Sticker -2 pieces) sa mga bintana ng iyong kotse para sa ganap na proteksyon.

Anti-Burglary Amulet 2016 Keychain
SKU3511
Blue Liuli Elephant and Rhino Protection Amulet
SKU1898

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #7 na Bituin

PAGPAPAHUSAY ng MGA MAPAPALAD NA BITUIN

Ang pagpapahusay sa mga mabubuting bituin ay nakapagpapalaki ng potensyal na makuha ang pinaka-aasam asam na resulta ng taon! Sa kung paano ka naaapektuhan ng mga masasamang bituin, ganito rin ang mga mabubuting bituin sa pagdadala sa yo ng pinakamagagandang bagay kung ang iyong kuwarto, pasukan, salas o oroskopyong palasyo ng hayop ay nasa paborableng posisyon nito.

Flying Star #8Ang SILANGAN ay nagbebenepisyo sa #8 BITUIN NG KASAGANAAN

Paano gamitin ang Feng Shui upang maakit ang suwerte at kasaganaan

Sa taong 2017, ang mapalad na numero 8- Bituin ng Kayamanan ay lilipad sa Silangan na magdadala ng napakalaking mga benepisyo sa pinakamatandang anak na lalake at ipinanganak sa taon ng Kuneho, maging sa mga residente na ang mga bahay ay nakaharap o nakapuwesto sa Silangan.  Ang malakas na numero 8 na bituin ay nagdadala ng panibagong kasaganaan at perang dulot ng suwerte para sa mga naninirahan sa nasabing mga bahay. Ang mga tao na may mga kuwartong nakapuwesto sa Silangang bahagi ng kanilang kabahayan ay magbebenepisyo rin. Ang mga kapalaran ay mapapabuti at magdaraos ng mga masasayang okasyon gaya ng kasalan, selebrasyon ng kapanganakan ng isang respetadong nakatatandang miyembro ng pamilya o kaya ang pagdating ng bagong karagdagan sa pagsilang ng sanggol. Sadyang mapalad na senyales kung kahit alin sa mga ito ang iyong maranasan o mas mapalad ka kung lahat ng mga ito ay mangyayari.

Totoong mapalad para sa mga tatamaan lalo kung magsusuot ng gawa sa “925 na Pilak Mistikong Buhol na Palawit na may mga Kristal ng Swarovski (925 Silver Mystic Knot Pendant with Swarovski Crystals) sa taon ng 2017. Mailalabas nang sagad ang suwerte sa pera na hatid ng bituin na ito sa pamamagitan ng paggamit ng “Bituin ng mga Kristal na Bola ni David Hexagram (Star of David Hexagram Crystal Balls ) o ang Walong Mapalad na Bagay Kristal na Bola (Eight Auspicious Objects Crystal Ball).  Isabit ang “Jade Mistikong Bohol na may Walong Nakasabit na Bulaklak(Jade Mystic Knot with Eight Flowers Hanging) sa iyong kotse.

Bejeweled Mystic Knot
Bejeweled Mystic Knot
SKU2100
Bejeweled White Dzambhala
SKU2039

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #8 na Bituin

Flying Star #6Ang SUWERTE NG KALANGITAN NA BITUIN numero 6 na nasa HILAGA

Paano gamitin ang Feng Shui upang maakit ang tagapagturo na suwerte (mentor luck) o maharlikang (gui ren) suwerte at pagbuhos na suwerte (windfall luck) papasok sa iyong buhay.

Ang mga naninirahan sa mga bahay na nakaharap o nakaupo sa direksyon ng Hilaga ay makikinabang sa mga grasyang dala ng numero 6-banal na bituin para sa taong 2017. Ito ay ibayong lumalakas habang papalapit sa panahon ng 8 na nagsisimula sa taong 2004 hanggang sa 2024. Ang numero 6 na bituin ay tinaguriang mapalad na bituing galing langit na may dalang hindi inaasahang pagbuhos na suwerte. Ang mga taong mahilig makipagsapalaran o sumugal ay magbebenepisyo kung ang kanilang mga kuwarto ay nasa Hilagang bahagi ng kanilang bahay. Ang kasaganaan na mula sa kalangitan ay makakamtan ng mga kabahayan na may mga pangunahing pintuan na nakapuwesto o nakaharap sa Hilagang dahil na rin sa 6 na bituin. Makatutulong sa yong mga pagsusumikap ang mga karagdagang lakas, otoridad, pati na rin ang pagdaloy ng tagapagturo na suwerte at kosmikong suporta. Magdiwang at magpakasaya kung ikaw ay ang gitnang anak na lalake o naipanganak sa taon ng Daga dahil ang Hilaga ang iyong lugar.

Isulong ang lakas ng mapalad na bituing ito sa paglalagay ng 6 na Baryang Ruler (6 Coins Ruler) o ang “Gui Ren na Plake” (Gui Ren Plaque) sa iyong tahanan. Dagdagan ang iyong suwerte na galing kalangitan sa pagdadala ng Taga-aktiba ng Langit na Suwerte Fung Shui na Keychain (Heaven Luck Activator Feng Shui Keychain) o ang Anting-anting ng Gui Ren para sa Tagumpay na Keychain (Gui Ren Talisman for Success Keychain) sa taong 2017 upang makamtan ang malakas na suporta na galing sa mga maimpluwensyang tao at sa mga biyaya ng kalangitan na nagdadala ng biglaan at hindi inaasahan na magandang kapalaran.

Gui Ren Talisman for Success Keychain
SKU3512
Gui Ren Plaque
SKU3538
Golden Standing Guan Yin on Glass Base
SKU2826

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #6 na Bituin

Flying Star #1Ang BITUIN NG TAGUMPAY #1 ay Pumapasok sa SENTRO sa 2017

Paano gamitin ang Feng Shui upang mapahusay ang iyong Suwerte sa Tagumpay at Panalo laban sa mga katunggali.

Lahat ay panalo sa numero 1 Putting Bituin sa taong 2017. Ang nagdadala ng tagumpay na puting bituin ay lumilipad sa Sentro – na nagpapaganda ng suwerte sa lahat ng miyembro ng tahanan. Ang suwerteng bituin na ito ay tutulong sa yo sa pagkakaroon ng mas maraming tagumpay at dadaigin ang mga balakid sa lugar ng trabaho o magbibigay ng panalo laban sa iyong mga katunggali, lalo na para doon sa mga may opisina at kuwarto na naka-posisyon sa sentro.

Magandang ideya ang pagpapagana ng numero 1 na bituin gamit ang Baner ng Tagumpay (Victory Banner) na nailagay sa Sentro ng isang bahay/opisina. Maaari ding gisingin ang enerhiya (chi) nito sa pagkakaroon at pagpapanatili ng isang magiting na Heneral na Mandirigma gaya ng Estatuwa ni Kwan Kung (Kwan Kung Statue) na dapat ilagay sa di-kalayuan.  Ugaliin ding dalhin Ang Nakapagpapahusay sa Tagumpay na Anting-Anting na Keychain (Victory-Enhancing Talisman Keychain) upang lalong abot-kamay ang tagumpay sa araw-araw.

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #1 na Bituin

Flying Star #4Ang PAG-IIBIGAN at ESKOLASTIKONG BITUIN numero 4 (Wen Chang) na nasa HILAGANG- SILANGAN

Paano gamitin ang Feng Shui upang maakit ang suwerte sa pag-ibig (peach blossom na suwerte) o mapaghusay ang suwerte sa eksaminasyon.

Ang Pag-iibigan at Pang-akademyang Bituin numero 4 sa Hilagang-silangan ay magiging dahilan upang matamasa ng mga residenteng naninirahan sa mga kabahayan na nasa Hilagang-silangan o nakaharap sa Hilagang-silangan ang ibayong enerhiya ng pagmamahalan na dulot ng nasabing bituin.  Ito ay tinatawag bilang ang bituin na nagdadala ng peach blossom na suwerte, kung kaya’t ang mga taong mayroong kuwarto sa bandang kanluran ay masisiyahan sa sobra-sobrang suwerte pagdating sa pag-ibig.  Mamamayani ang romansa para sa mga karapat-dapat at maaaring mauwi sa kasalan para sa mga walang asawang babae dala ng mga oportunidad na bitbit ng Bituin numero 4.  Dahil sa ang Hilagang-silangan ang itinuturing na lugar ng pinaka-bunsong anak na lalake, malamang sa hindi ang pagpapakasal ng mga batang lalake na nagkukuwarto sa Hilagang-silangan.  Malaking pabor din ang Hilagang-silangan para sa mga taong ipinanganak sa taon ng Baka at Tigre.

Para palakasin ang suwerte ng kasal, maglagay sa mesa na nasa Hilagang-silangang sulok ng sala o kuwarto ng isang Dobleng Kaligayan na Plake (Double Happiness Plaque) o ng Dragon at Piniks sa Putol na Metal (Dragon & Phoenix on Ingot).  Sa sinuman napapabilang sa mga kategoryang ito na maaaring naghahanap ng magandang pagbabago sa kanilang buhay mag-asawa o kaya naman ng bagong pag-ibig ay makakakuha ng tulong sa pagkakaroon ng Kuwarts na Rosas mga Mandarin na Pato sa Dahon ng Lotus(Rose Quartz Mandarin Ducks on Lotus Leaf). Para mapabilis ang proseso at resultang hinahangad, magdala ng Kuwarts na Rosas mga Mandarin na Pato Alindog ng Pag-ibig (Rose Quartz Mandarin Ducks Love Charm).

Sa mga estyudante o iba pa na nangangarap na mapahusay ang kanilang suwerte sa pag-aaral, magagawa nila ito kung kanilang ididispley ang Pitong Antas na Pagoda (Seven Level Pagoda). Malaking benepisyo din sa mga may-ari ng negosyo kung mayroon sila nito sa kanilang opisina. Mapapalakas nito ang pagka-malikhain at pokus sa trabaho ng kanilang mga kawani na magbubunga sa dagdag na produksyon, positibong pagbabago at kahusayan sa trabaho.  Para katigan ng lahat ng suwerte, magdala ng 7 Antas Feng Shui Pagoda na Keychain (7 Level Feng Shui Pagoda Keychain) o Eskolastikong Keychain (Scholastic Keychain).

Scholastic Keychain
SKU3384
Golden Carp Crossing the Dragon Gate
SKU3320

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #4 na Bituin

Flying Star #9Ang #9 BITUIN NG PANGHINAHARAP NA KASAGAAN ay lumilipad sa TIMOG-SILANGAN

Magtatamasa sa suwerte ng pagtatapos ang Timog-silangan sa pagkakaroon ng #9 Bituin ng Panghinaharap na Kasaganaan sa taong 2017. Lumilipad patungong Timog-silangan ang mapalad na bituing ito dala ang suwerte sa pagtatapos, ang pausbong na bilis sa pagkilos sa iyong karera at panghinaharap na kasaganaan sa mga residenteng naninirahan dito. Ang mga pangmatagalang benepisyo ang pangunahing magandang maibibigay ng enerhiya ng mga bituing ito. Hinahatak ng bituing ito ang pangkinabukasang kaunlaran at ang suwerte para kilalanin ang isang tao sa kanyang mga naabot sa buhay. Ang panganay na anak na babae ng pamilya at ang mga ipinanganak sa taon ng Ahas at Dragon ay napapaboran ng bituing ito.

Para mapalakas ang enerhiya ng bituing ito, ilagay ang 9 na Diyos ng Kayamanan na Nakaupo sa Barko(9 Wealth Gods Sitting On A Ship) o ang 9 na Singsing na Espada ng Dragon (9 Rings Dragon Sword) sa Timog-silangang bahagi ng sala. Makatutulong din ang pagdadala ng 9 na Espadang Singsing na Keychain(9 Ring Sword Keychain).

More Feng Shiu na Panlunas at Pagpapabuti para sa #9 na Bituin

IBA PANG IMPORTANTENG TAUNANG MGA AFFLICTION

Maliban sa 9 Flying Stars, mayroon dalawang iba pang mga lokasyon na kailangan bantayan. Sila ay ang Tatlong Pagpatay (Three Killings) at ang Dakilang Dukeng Hupiter- Tai Sui (Grand Duke Jupiter- Tai Sui) na nagbabago ng kanilang mga lokasyon kada taon.

TATLONG PAGPATAY

TATLONG PAGPATAY - 3 KillingsAng Tatlong Pagpatay o “San Sha” ay isang taunang affliction na binubuo ng kombinasyon ng tatlong “Sha” na pinangalanan na:  Ang Taon na Sha (Year Sha), Pagnanakaw na Sha (Robbery Sha) at ang Sakunang Sha (Disaster Sha). May mga masasamang ibinubunga ang bawat sha gaya ng mga sagabal na dagok sa iyong pag-unlad na maaaring sanhi ng Taon na Sha. Ang mga pagkalugi naman sa pera ay ang dala ng Pagnanakaw na Sha, habang ang mga aksidente at kapahamakan ay nauugnay sa Sakunang Sha.

Ang patakaran na dapat isaisip ay dapat na wala sa likuran mo ang Tatlong Pagpatay.  Kasama sa pagsasanay ng Feng Shui na dapat ay tandaan kung nasaan ang lokasyon ng Tatlong Pagpatay sa bawat taon at dapat na komprontahin at labanan ito ng buong tapang.  Kung hindi ito magagawa, nakapagdadala ito ng tatlong uri ng kasawian na magpapatuloy sa pag-gambala at pagpapahirap upang gawing puno ng hinagpis ang iyong buhay.

Sa taong 2017 na taon ng Tandang, sa Silangan ang lokasyon ng Tatlong Pagpatay.  Ang ibig sabihin nito na sa kasagsagan ng 2017, ang pagkakaupo kung saan ang Silangan ay nasa iyong likuran ay lubhang masama at isang kahangalan.  Sa halip ay umupo na nakaharap sa Silangan at ang Kanluran ang siyang nasa iyong likuran.  Sa pagpaplano ng pag-aayos at pagpapaganda ng bahay, tandaan na huwag ito gawin sa mga bahagi kung saan namamalagi ang Tatlong Pagpatay.

Ang mga popular na panlunas ng Feng Shui na itinataguyod ng sikat sa buong mundo na dalubhasa sa Feng Shui at pinakatatangkilik na manunulat ng Feng Shui na si Lillian Too ay ang mga: Tatlong Banal na Tagapagalaga (Three Divine Guardians) o ang Plake ng 3 Pangkalangitan na Tagapagalaga (3 Celestial Guardian Plaque). Dapat na sila ay ilagay sa apektadong sulok ng iyong kuwarto, habang iminumungkahi ang pagdadala ng 3 Pangkalangitan na Tagapagalaga na may mga kasangkapan na Keychain (3 Celestial Guardians with Implements Keychain) kung ang iyong kuwarto, pangunahing pintuan, oroskopyong tanda o opisina ay tinamaan ng pagpapahirap.

Ang mga oroskopyong tanda na apektado ng Tatlong Pagpatay sa taong 2017 ay ang Tigre, Kuneho at Dragon.

TAI SUI

TAI SUI 2017Isa sa pinakamalaking taunang affliction ay ang Tai Sui o ang Dakilang Dukeng Hupiter. Ang lugar na kinaroroonan ng Dakilang Dukeng Hupiter ay nagbabago kada taon katulad din ng iba.  Itinuturing siya ng mga Intsik bilang ang Diyos ng Taon at batid ng mga pamilyang Intsik na dapat siyang respetuhin at di dapat masaktan sa alin mang paraan (Fan Tai Sui sa wikang Intsik) dahil kapag ito ay nangyari, ito ay magdadala ng lahat ng uri ng kapahamakan.  Ganap na kinakailangan na malaman mo kung saan siya naninirahan kada taon.  Sa oras na alam mo na kung saan ang kanyang lokasyon, tiyakin na huwag siyang gagalitin sa pag-upo sa direksyon na humaharap sa kanya dahil ang pangyayaring ito ay nangangahulugan ng pagkompronta sa kanya, at ito ay isang bagay na dapat mong iwasang gawin.  Ang Tai Sai ay maaaring maging sanhi ng pagkawasak sa sandaling maramdaman ang kabuuang pagtama ng kanyang galit.

Kapag iyong kinompronta ang kanyang direksyon, kasawian ang idudulot nito sa yo.  Huwag ding istorbohin ang kanyang kinaroroonan sa pamamagitan ng paggawa ng sobrang ingay gaya ng pagtambol, paghuhukay o iba pang aktibidad na kaugnay sa pagpapaganda ng bahay o kapaligiran.  Kung ito ay gagawin mo, ang mga kahihinatnan ay ang posibilidad na ika’y magkasakit, maghinagpis sa pagkakalugi, pagkawala ng mga mahahalagang kasunduan at pagkakaroon ng hindi magandang istado ng pakiramdam.  Ang tinukoy na lokasyon ng Tai Sui sa taong 2017 ay sa Kanluran.

Maglagay ng imahe o pigurin ng “Pi Yaw” (Pi Yao) sa loob ng tahanan sa direksyon ng Tai Sui upang palubagin siya. Ito ay pinaniniwalaang napa-epektibong lunas na nagsisiguro na siya ay hindi masasaktan. Mainam din na idispley ang Plake ng Tai Sui (Tai Sui Plaque) sa iyong tahanan o opisina, at maaari ding magdala ng Tai Sui na Agimat ng 2017 na Keychain (Tai Sui Amulet of 2017 Keychain) kung ang iyong kuwarto, pangunahing pintuan, oroskopyong tanda o opisina ay napagsakitan.

Ang mga oroskopyong tanda na hindi kasundo ng Tai Sui sa taong 2017 ay ang Daga, Kuneho, Kabayo at Tandang.